Noong nakaraang Agosto 30, kami ay nabigyan ng pagkakataon na makapunta sa National Museum, kasama ang HUMSS12, iba pang strand at ng aming mga Prof.
National Museum of Anthropology
https://images.app.goo.gl/hLCf4oKcyJtGWsF78
Una naming pinuntahan ang National Museum of Anthropology at ito ang aming nasaksihan.

GARING: The Philippines at the Crossroads of
Ivory Trade.
Taken: 9/10/19
Sources of Ivory
The Nature of Ivory
Taken: 9/10/19
Deskripsyon ukol sa mga uri ng Banga
Iba’t-ibang uri ng Manunggul Jar


Mga uri ng banga
Mga kagamitan ng ating mga Ninuno na maaring ginamit nila sa pangaraw araw na pamumuhay nila
Ang Rosaryo na yari sa Ginto at Ivory
Ang mga unang Salapi na nakuha sa San Diego at nagpapatunay na may pangangalakal na nangyari sa ating bansa noong unang panahon
Ang hapag kainan ng mga Almirante na silang may mataas na pamumuhay noong unang kalakalan
Ang mga kagamitan ng may mararangyang buhay noong unang Kalakalan
Sa pag-iikot ko sa unang Museo na aming napuntahan ay nagbalik sa akin ang mga pamumuhay ng ating mga Ninuno noong unang panahon. May halong sabik akong naramdaman dahil sa mga nakita ko, alam kong mas magkakaroon pa ako ng malawak na pag-iisip. Masaya akong napre-preserba pa ng ating bansa ang mga gamit na siyang nagpapabalik sa atin sa nakaraan. Sana’y mapahalagahan natin ang mga ito na siyang magiging baliktanaw natin sa ating mga Ninuno.
National Museum of National History https://images.app.goo.gl/1AVaWyjAQhbRdMZV6
Sa sumunod naming pinuntahan ay mas humanga ako sa aking mga nakita. Muling nabuksan ang isip ko sa kung anong pinagsimulan ng bawat isa sa atin. Halina’t samahan niyo ako sa pagtuklas.
![IMG_20190910_125320[1].jpg](https://ariannesdiary.music.blog/wp-content/uploads/2019/09/img_20190910_1253201.jpg?w=1100)
Nalula at namangha ako sa istraktura ng Museong ito. Dito napapatunayan nating mga Pilipino na sa pamamagitan ng ating mga angking talino at abilidad, mas napapaganda natin ang mga kaaya-ayang lugar na malaki ang ambag sa atin at sa ating bansa. Sa pamamagitan nito, mas matutuwa ang mga dayuhan sa atin na bisitahin at malaman ang mga nakaraan ng bawat isa sa atin. Sa litratong ito, makikita ang hayop na “Kalabaw” bilang pambansang hayop sa ating bansa dahil sa sipag at tiyaga nito sa bukid. Makikita rin dito ang “Tarsier” na siyang dinarayo ng marami sa atin sa lugar ng Bicol.”
![IMG_20190910_113816[1].jpg](https://ariannesdiary.music.blog/wp-content/uploads/2019/09/img_20190910_1138161.jpg?w=1100)
![IMG_20190910_113954[1].jpg](https://ariannesdiary.music.blog/wp-content/uploads/2019/09/img_20190910_1139541.jpg?w=1100)
Ang Baybayin na siyang nagpasimula sa atin at nagturo kung paano mapadali ang pagsusulat ng bawat isa sa atin. Malaki ang pag-iingat natin sa Baybayin dahil isa ito sa mga kailangan nating pahalagahan at ito ay tatak natin bilang isang Pilipino.
Bahay Kubo na siyang unang naging batayan ng pamamahay ng ating mga Ninuno
Kasuotan ng Babae
Kasuotan ng mga Lalaki
Paraan ng Paghahabi ng ating mga Ninuno
Ang mga naging sapin sa ulo ng ating mga Ninuno na kanilang ginagamit sa pang-araw araw na pamumuhay nila
Ang mga naging instrumento nila sa libangan at paggawa ng Musika
Ang mga naging Sandata nila sa mga kalaban at ginamit rin nila sa pangunguha nila ng makakain nila sa kagubatan
Ang Sari-Manok na isang maalamat na ibon ng mga Maranao. Sagisag ito ng pagkakapatid ng ating mga Ninuno nung unang panahon. Sari” o magarbong at makulay na pananamit, at “manok” o ibon.
Ito ang mga Ninuno nating mga Igorot na nagpapatunay lamang na sila ang mga gumamit ng mga makalumang mga gamit noon na hanggang ngayon ay ginagamit ay pinapahalagahan pa rin.
Natapos ko ang pag-iikot ‘ko sa pangalawang Museo na aming pinuntahan at nakaramdam ako ng tuwa sa kadahilanang hanggang sa ngayon napapahalagahan natin ng mabuti ang mga ginamit at mga inambag sa atin ng mga Ninuno natin. Namangha ako sa ganda ng aking mga nakita at sa mga kaalaman na aking natuklasan. Talaga nga namang minamahal natin ang ating pagka-Pilipino at nararapat lamang na dayuhin tayo ng mga turista na silang namamangha sa kung anong nakaraan at yaman ng ating bansa.
Nagsimula lamang ang ating mga Ninuno sa isang butil at nakakamangha isipin na sila mismo ang nagsimula upang mayroon tayong maipagmalaki sa mga dayuhan. Na mayroon tayong sariling dapat ingatan at pahalagahan.”
Halina’t samahan niyo ako sa huling pagtuklas at pagtingin ko sa mga bagay na ating pagyayamin pa sa mga susunod na henerasyon.
National Museum of Fine Arts https://images.app.goo.gl/Jd2qW92KEMkjQAEf7
SPOLARIUM by Juan Luna
Sa Museong ito, nakitaan ko agad ng pagbabaliktanaw sa mga naging tao na naging pintor, mang-uukit ng ating bayan na may malaking ambag sa literatura ng ating pagka-Pilipino. Sa pagpasok palang namin ay iba’t ibang pinta na ang bumungad sa amin. Ang mga inukit na mukha ng ating mga mang-uukit na siyang dahilan para tayo’y magbalik sa nakaraan at ang naging hirap nila sa panahong hinarap nila.”
![IMG_20190910_140805[1].jpg](https://ariannesdiary.music.blog/wp-content/uploads/2019/09/img_20190910_1408051.jpg?w=1100)
Sa bulwagang ito nakalagay ang pagkakaisa nila upang makagawa ng mga Literatura na siyang babalikan natin upang mabuksan ang kaalaman ng bawat isa sa atin. Namangha lang ako sa naging abilidad nila sapagkat dahil sa mga pinta nila, napakita nila ang tunay na talino, puso at tapang ng bawat Pilipino.”
Isang babaeng Anghel
Ang pagbabaptisma sa ating Panginoon
Jose P. Rizal na ating Pambansang Bayani
Ang pagpapasakit ng mga dayuhan sa ating mga Pilipino
Nuestra Senora De Guadalupe
Ultimo Adios na sinulat ng ating Pambasang Bayani upang mabuksan ang ating Pagkakapilipino sa mga mapang aping dayuhan na dumayo sa atin
Sa lahat ng nakita kong Pinta at Iskultura ng ating mga kapwa Pilipino, ito lamang ang nagpapatunay na ginawa nila lahat ng kanilang makakaya upang sa gayon ay mabigyan tayo ng sapat na kaalaman sa mga nangyari o pinagdaanan nila nung unang Panahon.
![IMG_20190910_114356[1].jpg](https://ariannesdiary.music.blog/wp-content/uploads/2019/09/img_20190910_1143561.jpg?w=1100)
Malaki ang pasasalamat namin sa Pambansang Museo na siyang kumukupkop sa mga ambag, gawa at mga literatura ng ating mga kapwa Pilipino para sa atin na dapat nating pahalagahan at pagyamanin sa mga susunod pang henerasyon. Nakakagaan sa aming kalooban, dahil sa mga nakita naming hirap at pagod nila ay nakuha pa nating buksan ang mga diwa natin upang sa ganon ay mapalawak natin ang ating pag iisip sa mga ginawang mga bagay na talaga namang makakapagpabukas ng ating pagka-Pilipino.
![IMG_20190910_114148[1]](https://ariannesdiary.music.blog/wp-content/uploads/2019/09/img_20190910_1141481.jpg?w=1100)
Sa litratong ito ay hinagkan ko ang aking pagka-Pilipino. Humarap ako sa Baybayin na siyang simbolo rin ng bawat isa sa atin. Pinagmamalaki ko ang lahat ng ginawang literatura, iskultura at mga pinta ng ating mga kapwa Pilipino; na siyang aking pagyayamanin. Natutuwa ako dahil hanggang ngayon ay napapahalagahan natin sila sa araw araw at dinarayo tayo ng mga dayuhan upang sa ganon ay magkaroon din sila ng kaalaman sa kung ano tayo at kung ano ang mga Pilipino.
Ang pagtalikod ko sa litratong iyan ay hindi ibig sabihing pagtaliwas ko sa mga literatura na aking nakita. Kundi ang pagyakap ko sa aking pagka-Pilipino at pagmamahal ko sa mga bagay na binigay ng mga kapwa nating Pilipino na silang nagpakita ng tunay na diwa ng bawat isa sa atin.”
SALAMAT SA ATING PAMBANSANG MUSEO SA PAGKUPKOP NG MGA BAGAY NA NARARAPAT NATING PANGALAGAAN AT PAGYAMANIN BILANG SIMBOLO NG BAWAT ISA SA ATIN.

